Back to Stories

Town Love

by Khin · Jul 03, 2026 · 46 readers
A man who loves his town

Chapter 1: The Man Who Left and The Man Who Was Left

Part 1: Willow Creek, Populasyon: 3,042*

Ang Willow Creek, isang maliit na bayan kung saan alam ng lahat kung anong ulam mo kagabi.
Isang kalsada lang. Isang traffic light na dilaw lang pag 8PM na. Isang high school. Isang karinderya.

At dalawang batang lumaki na magkakasama sa bawat eskinita.

*Clark Santos*, 17.
mejo Payat at Magulo ang buhok. Laging may pintura sa kamay at sketchbook sa bulsa.
Pangarap nyang Umalis sa town at hanap ng Mag-art school kung saan n'ya doon Makita ang mundo sa labas ng mga bukirin.
Reputasyon sa bayan: "Yung tahimik na artist. Sarili lang kausap."

*Mason Hale*, 17.
Malaki ang katawan. Palangiti. Varsity quarterback.
Pangarap: Manahin yung hardware store ng tatay niya. Magpakasal sa mabait na babae. Manatili.
Reputasyon sa bayan: "Golden boy ng bayan. Paborito ng lahat."

Magbest friends kami simula kindergarten.
At may sikreto kami simula Grade 10.

Nagsimula nung Grade 11. Pagkatapos ng practice.

Nag-iice si *Mason* ng tuhod niya. Naghihintay nman ako para sabay na kaming umuwi.
umumulan non at Walang tao sa field.

"Bakit ka nakatingin ka?," sabi ni Mason. Hindi lumilingon.
"Dugo ba yan?," sagot ko.

Lumingon si Mason. At sa isang segundo, hindi kami nag-alisan ng tingin.

Tapos hinalikan ako ni Mason ng
Mabilis at Magulo sabay Takot.

Hindi ako umatras.
Hinalikan ko din pabalik.

Pagkatapos, 10 minuto kaming tahimik.
"Hindi natin pwedeng sabihin sa kahit sino," bulong ni Mason.
"Alam ko," sabi ko.

Kaya hindi namin sinabi.
Sa loob ng 2 taon, palihim kami.
Sa likod ng bleachers. Sa truck ni Mason. Sa lumang tulay tuwing 2AM.
"Hanggang graduation lang," sabi namin sa isa't isa.


Lumipas ang june. Mainit at Maingay ang mga kuliglig.

Graduation sa Willow Creek High.

Nag-speech si Mason para sa mga atleta.
Nakuha ko naman yung Art Award at full scholarship sa art college 4 na oras ang layo sa syudad.

Pagkatapos, sa party sa tabi ng lawa:

"Tuloy ka ba talaga?" tanong ni Mason. Hawak ang dalawang pulang baso.
"Oo," sabi ko. "Kailangan ko ang Pangarap ko."
"Paano tayo?"

Hindi nalang ako sumagot. Kasi hindi ko alam.

Long distance? Sa maliit na bayang to?
Si Mason may tindahan. May pamilya.
At ako, may portfolio lang at bus ticket.

"Tatawag ako sa'yo," sabi ko.
"Pangako?"
"Pangako."

Huling halik namin sa tabi ng tubig.
Kinabukasan, sumakay na'ko ng bus.

Hindi na'ko tumawag.


*Ngayon. 21 na si Clark.*

Nilamon ako ng syudad.
Mahal ang art school. Mag-isa lang at Nakakapagod.
Nakagraduate na'ko, pero pagod na pagod parin at Wala nang pera.

Tapos tumawag si Mama.
"Clark. Umuwi ka muna. Kahit summer lang. Hindi na okay si Papa mo."

Kaya umuwi ako.

4 na oras na bus ride. Balik sa Willow Creek.
Balik sa water tower. Balik sa karinderya ni Aling Miller. Balik sa...

*Kay Mason.*

Naghihintay si Mason sa bus stop. Nakasandal sa truck ng tatay niya.
Suot pa rin yung varsity jacket. Suot pa rin yung ngiti na kinikilig ang kalahati ng bayan.

Pero iba na mata niya. Mas matanda at Pagod.

"Clark," sabi ni Mason.
"Mason," sagot ko.

Apat na taon. At pangalan lang ng isa't isa nasabi namin.

"Iba ka na," sabi ni Mason.
"Ikaw din," sabi ko.

Kasi iba na nga si Mason.
Hindi na bata at malaki na.
May guhit na sa gilid ng mata. Walang singsing, pero mukhang dapat may asawa na.

"Sumakay ka na," sabi ni Mason. "Ako na maghahatid sa'yo."


7 minuto lang ang biyahe. Parang 7 taon.

"Kamusta," simula ni Mason. "Art anh school. Okay ba?"
"Oo. Okay naman."
"Nagdodrawing ka pa rin?"
"Oo. Ikaw, nandito pa rin?"
"Oo. Ako na nagpapatakbo ng tindahan ngayon. May sakit kasi si Papa."

Tahimik ulit.

Pagdating sa bahay namin, umiyak at niyakap ako ni Mama ng 5 minuto.
Payat na si Papa, pero nakangiti pa rin.

"Si Mason naghatid sa'yo," sabi ni Mama.
"Hindi kami—" simula ko.
"Alam ko anak," putol ni Mama. Yung tingin na alam ng nanay ko.

Nung gabing yun, hindi ako makatulog.
Kaya naglakad nalang ako.

Diretso sa lumang tulay.

Hindi ako nagulat na nandun si Mason.


"Pumonta ka lang dito pag hindi ka makatulog," sabi ni Mason. Hindi lumingon.
"Ikaw din pala."

Umupo kami. Nakabitin ang paa sa tubig.

"Sorry hindi ako tumawag," sabi ko.
"Alam ko."
"Sorry."
"Okay lang. Kailangan mo naman talagang umalis."
"Kailangan ko ba talaga?"
"Oo."

Tahimik ulit.

"May ka-date ka ba?" tanong ko. Na napipilitan lang.
"Meron. Si Kayla. Galing simbahan. Casual lang."
"Ah."
"Ikaw?"
"Wala. Wala akong oras."

Kasinungalingan.
Wala akong time kasi walang pumalit kay Mason.

"Magtatagal ka ba ngayong summer?" tanong ni Mason.
"Oo. Kailangan ni Mama ng tulong ko."
"Maganda yan."

Tumingin ako sa kanya.
"Nagagalit ka ba sa'kin?"
"Ano? Hindi."
"Galit ka nung umalis ako."
"Hindi ako galit, Clark. Hindi ko lang..." buntong-hininga si Mason. "Hindi ko lang alam kung nasaan tayo ngayon."

"Hindi ko rin alam," bulong ko.

Maingay ang mga kuliglig.

"Uuwi na ko," sabi ni Mason. Tumayo.
"Sige."

Pero bago umalis, lumingon si Mason.

"May town fair next week. Kailangan ng volunteers sa art booth."
"Hindi ako—"
"Please. Para kay Aling Miller."

Tumango nlang ako.
"Sige."


Nung gabing yun, binuksan ni ko yung sketchbook ko. Unang beses sa ilang buwan.

At unang iginuhit ko?
Si Mason. Nakasandal sa truck. Sa ilalim ng water tower.
At sa ilalim nun, may nakasulat:

*C + M. 2019.*

Hindi ko alam kung mag-uumpisa ulit kami.
Hindi ko alam kung papayag ang bayan.
Hindi ko alam kung may nararamdaman pa si Mason sa'kin.

Pero isang bagay ang sigurado ako:

Nasa bahay na ako.
At ang bahay, si Mason pa rin.

“May mga bayan na masyadong maliit para magtago.
At may mga pag-ibig na masyadong malaki para kalimutan.”_
Chapter 1 — Chapter 1: The Man Who Left and The Man Who Was Left of 2

Comments ()

Log in to leave a comment.

🍪 This site uses essential cookies only. No tracking or analytics cookies are used. Learn more →