Back to Stories

Too Late

by Khin · Jul 02, 2026 · 51 readers
From darkness to light

Chapter 1: The land that is not given away

*Barangay San Miguel, Cavite | 6:30 AM*

Mainit na agad kahit umaga pa lang.

Sigawan at Basagan ng yero.

“Wala kayong karapatan dito!” sigaw ni *Aling Rosa*, 60 anyos. Nakatayo siya sa harap ng bahay niyang yari sa kahoy. 30 taon na yun. Dito siya pinanganak. Dito rin lumaki mga anak niya.

Sa harap niya may mga 15 lalaki. Naka-black shirt at May logo sa likod: *SILVER BAY CORP.*

“Eviction order to, Lola,” sabi ng lalaking naka-barong. Si *Atty. Mendez*, abogado ng kumpanya. May hawak na papel. “Binili na ng boss namin yung buong lupa na to. 12 ektarya at Gagawing casino at resort. International.”

“Casino?!” sigaw ni *Kuya Ben*, tricycle driver. “E paano kami? Saan kami pupunta?!”
“May relocation site kami sa Cavite at 2 oras ang layo. Walang trabaho. Walang dagat,” sabi ni Atty Mendez. Walang pakialam. “30 days lang kayo. Pag hindi pa kayo umalis... kami na bahala.”

Hinila ng dalawang lalaki yung tindahan ni *Mang Cardo*. Nabuwal at Nabagsakan ng kahoy yung binti ni Kuya Ben.

“Aray!” sigaw ni Kuya Ben.

Walang tumulong kasi Takot ang lahat. Kasi yung mga lalaki ng Silver Bay... may dalang tubo. May nakita pang baril sa tagiliran ng isa.

“Umalis na kayo,” bulong ni Aling Rosa. Hawak niya dibdib niya. “30 taon... bigla na lang?”

“huli na na para magmakaawa, matanda,” ngisi ni Atty. Mendez. “Naka-sign na.”

At umalis sila na naiwan yung mga tao Basag at Tahimik.

*Mansion Velasco, Alabang | 8:00 PM*

Hindi maingay dito. Walang party. Walang bodyguard sa labas.

Si *Cael Velasco*, 23.

Buhok na hindi ayos. Plain na black shirt. Nakaupo sa harap ng laptop.

CEO siya ng *Velasco Group* meron syang Hotel, banko, construction at 80 Billion ang net worth.

Pero hindi pera iniisip niya ngayon.

Nasa screen niya anh Video na Kuha ng residente.

Si Aling Rosa na Umiiyak. “30 taon namin to...”
Si Kuya Ben na Duguan ang binti. “Pinalayas kami...”

Pinatay ko yung video.

Napakuyom ako ng kamay.

15 years ago sa Tondo.

Maliit na bahay namin ng Mama ko. Pareho kaming Pinalayas para gawing mall.
“Wala kaming pera,” iyak ng Mama ko.
“huli na,” sabi ng abogado dati.

Namulat sa kalsada ang mama ko. Nagkasakit at Namatay dahil Walang pampagamot.

"huli na ako dati,” bulong ko. “Pero ngayon... hindi na.”

Tumayo ako.

“Luca,” tawag ko.

Pumasok si *Luca*, kanang-kamay ko. Ex-militar na Tahimik.
“Boss?”
“I-cancel mo lahat ng meeting ko bukas.”
“Bakit?”
“Pupunta tayo sa San Miguel.”

San Miguel, Kinabukasan | 10:00 AM*

Bumalik yung demolition team ng Silver Bay. Mas marami at 20 na katao

“Last warning to!” sigaw ng pinuno, si *Rico*. Malaking ang katawan at May dalang martilyo. “Gibain niyo na yan! Yung mga ayaw umalis... bugbugin niyo!”

Tumakbo yung mga tao. Niyakap ni Aling Rosa yung poste ng bahay niya.

“Wag ito! Bahay ko to!”

Itinaas na ni Rico yung martilyo.

“Stop.”

Isang boses lang. Pero tumigil ang lahat.

Lumingon sila sa'kin.

Nakatayo sa dulo ng kalsada at Mag-isa lang.

Naka-black shirt. Naka-pantalon. Naka-tsinelas lang.

Si Cael Velasco.

“Sinong-”

“Alis kayo,” sabi ko. Walang sigaw. Pero yung mata ko... nanlalamig. gustong pumatay.

“Gago, nagbibiro ka ba?” tawa ni Rico. “20 kami. Isa ka lang.”

Hindi ako sumagot.

Naglakad lang ako ng Dahan-dahan.

Kinabahan si Rico. “Sige nga-”

Hindi na natapos ni Rico yung salita.

*Ilang Minuto Lang*

Mabilis. Sobrang bilis.

Yung martilyo ni Rico? Nasa kamay kona.
Yung dalawang lalaking hahawak kay Aling Rosa? Nasa lupa na.
Yung baril nung isa? Pinulot ko. Tiningnan. Tapos... binabaluktot ko ng kamay lang na Parang lata.

Hindi patay yung mga tao ng Silver Bay. Pero wala nang nakatayo. Lahat nakaupo. Lahat naka hawak sa tiyan at Lahat nagulat.

Lumapit ako kay Rico. Nakaupo na. Nanginginig.

“Pag bumalik kayo,” sabi ko. Boses kalma lang. “Ako naman pupunta sa boss niyo.”

Hinagis ko yung baluktot na baril sa paanan ni Rico.

“Umalis na kayo.”

Nag takbuhan silang lahat. Naiwan yung mga tubo. Naiwan yung kahihiyan.

*Pagkatapos*

Lumapit ako kay Aling Rosa.

Dahan-dahan kong inangat yung matanda.

“Okay lang po kayo?” tanong ko. Malambot na boses. Hindi na yung kanina.

Umiiyak si Aling Rosa. Pero hindi sa sakit. Sa gulat.

“Sino... sino ka, anak?”
“Cael po,” sabi ko. “Hindi ko hahayaan na paalisin kayo.”

Tumingin lahat ng tao sa akin.

Mayaman itsura. Pero hindi mayabang.
Mabangis sa kalaban. Pero malambot sa kanila.

“Anak... bakit?” tanong ni Kuya Ben. Pahika-hika.
Tumingin ako sa dagat.

“Kasi may mga taong dumating sa’kin... too late na,” sabi ko. “Sa inyo... hindi na.”


Kinagabihan.

Nakarating kay *Victor Lim*, CEO ng Silver Bay Corp, yung nangyari.

“Cael Velasco?!” galit na galit siya. Binagsak telepono. “Yung kalaban ko sa bidding?! Siraan niyo siya! Padala kayo ng mas marami!”

Pero sa mansion, nakaupo lang ako.

naka harap sa bintana. Hawak ko yung lumang picture. ako at Mama ko. Sa harap ng bahay namin sa Tondo. Bago palayasin.

“2 Billion lang yung lupa na yan, Victor,” bulong ko. “Pero yung dignidad ng tao? Walang presyo yun.”

Pinikit ko ang mata ko.


_“Hindi lahat ng mayaman, kontrabida.
Minsan... yung mayaman mismo yung magiging pader ng mahihirap.”_
Chapter 1 — Chapter 1: The land that is not given away of 5

Comments ()

Log in to leave a comment.

🍪 This site uses essential cookies only. No tracking or analytics cookies are used. Learn more →