Obsessed with a Nerd
A male basketball player is obsessed with a male nerd, it started with a book and ended with a love story but they didn't know that they were actually brought together by fate.
Chapter 1: The Book Named "Z"
_AU | BL | Tagalog_
_It started with a book.
It ended with a love story.
They didn't know fate brought them together._
*Kilalanin Muna Natin Sila*
*KAIRO MENDOZA* - 20
*NU Bulldogs, Team Captain. Basketball Varsity.*
Height: 6'2. Abs? Meron. Attitude? Mas meron.
Campus Title: "Ice King ng NU" kasi laging nakasimangot. Walang jowa. Walang time.
Basketball lang mundo niya. Talo = impyerno. Panalo = okay lang.
*ZIAN REYES* - 19
*NU - BS Physics, 3rd Year. Cum Laude.*
Height: 5'7. May salamin at Laging nakasimangot din pero kasi dahil sa puyat, hindi s'ya masungit.
Campus Title: "Living Google" kasi lahat ng tanong, may nasasagot siya.
Libro lang mundo niya. Research. Formulas pero mejo tahimik.
Hindi dapat magtagpo.
Pero nagkamali ang tadhana.
*KABANATA 1: ANG LIBRONG NAIWAN SA MESA*
NU Library. 8:53 PM. Friday.
"Last 7 minutes before closing!" sigaw ng librarian.
Pagod na pagod na ako.
Kanina lang, talo kami sa scrimmage. Ako yung nag-miss ng winning shot.
"Tanga," mura ko sa sarili habang sinisipa yung upuan.
Ayaw ko nang umuwi. Maingay ang condo ko. pati utak ko Maingay.
Kaya nagtago ako sa pinakadulo ng mesa ng 3rd floor. Walang tao. Madilim.
At dun ko nakita.
Isang libro. Makapal s'ya. Walang bookmark.
*"The Physics of Love: When Two Bodies Collide"*
_by Dr. Adrian Reyes_
"Ang corny," sabi ko. Pero binuksan ko pa rin.
Wala namang formula. Puro yung sulat. Puro hugot na may science.
Tapos sa unang pahina... may sulat-kamay.
> _“To whoever finds this:
> Love is not a problem you can solve.
> But if you find your constant, hold on to them.
> - Z”_
Napahinto ako.
"Z?" bulong ko. "Sino 'tong Z?"
Hindi ko alam kung bakit... pero hindi ko naibalik yung libro sa shelf.
Iniuwi ko ito.
Kinabukasan. Sa Practice Area. 5:30 AM.
"KAIRO! NATUTULOG KA BA?!" sigaw ni Coach.
"Sorry po!" gulat na sabi ko.
Kasi imbes na playbook binabasa ko... yung libro ni "Z".
Sa locker. Sa kotse. Sa CR. At Sa ilalim ng kumot.
"Pre, okay ka lang?" tanong ni *Luca*, best friend ko. "Parang naging bookworm ka ah."
"Walang ganun noh," depensa ko naman. "Maganda lang yung quotes."
"Quotes? Ikaw nag babasa n'yan? eh ayaw mo nga magbasa ng syllabus"
Hindi nalang ako sumagot.
Kasi ang totoo. May hinahanap ako sa libro.
Yung "Z".
Isang linggo ang lumipas.
Obsessed na ako sa libro ito.
Nagtanong ako sa library.
"May naiwan daw na libro ni Dr. Reyes?"
"Ah, kay Zian yun. Physics Dept. Laging nasa 3rd floor yun," sabi ng librarian.
*3rd floor.
At dun ko siya nakita.
Nakaupo sa pinakasulok.
Payat. Maputi. Naka-hoodie na malaki sa kanya. May Salamin na madulas na sa ilong. Buhok n'ya ay magulo.
May 4 na libro sa harap n'ya. Nagsusulat. Hindi man lang kumukurap.
*Zian Reyes.*
"Uy," tawag ko ng Malakas.
Nag-angat ang ulo ni Zian.
Nagulat s'ya. Tapos sabay inis.
"Ano?" sungit nyang sagot.
"Ikaw ba si Z?" tanong ko ng Deretso.
Natigilan si Zian sa pagsusulat.
"Hindi," mabilis nyang sagot. Yumuko s'ya ulit. "Busy ako."
Pero nakita ko.
Yung sulat-kamay sa papel ni Zian... pareho na pareho sa sulat kamay sa libro.
"Siya yun," bulong ko pagtalikod.
Simula nun, 4PM araw-araw.
Nasa library ako.
Kunwari nag-aaral. Basketball playbook yung hawak. Pero hindi ko binubuklat.
Tingin lang kay Zian.
Napapansin agad ni Zian.
"Mr. Varsity," sabi ni Zian isang araw. Hindi pa rin lumingon. "Hindi ito gym. Umalis kana."
"Hindi ako magiingay," sabi ko. "Tatahimik lang ako."
"Yung tingin mo maingay."
Napahiya ako. Pero hindi ako umalis.
Biyernes ng umaga. umuolan. Walang tao sa library.
Nadulas si Zian. Bagsak lahat ng libro sabay Basag ng salamin nya.
"Sh_t," panic ni Zian. "Hindi ko mababasa notes ko nito bwisit..."
Lumapit ako ng Mabilis.
"Ako na," sabi ko. Pinulot ko ang salamin n'ya. "Papapalitan ko ito. Bukas."
"Hindi mo afford to," sabi ni Zian. "1.75 grade. Custom."
"Susubukan ko," seryoso kong sabi.
Tumingin si Zian sa mga mata ko ng Matagal.
"Bakit?...bakit mo ito ginagawa?" tanong ni Zian. Boses na mahina. "Hindi mo nga ko kilala."
"Kilala kita," sabi ko sabay Inabot ang libro. "Ikaw si Z."
Napahawak si Zian sa libro.
"...Oo. Ako nga," amin niya. "Pero hindi para sa'yo yun."
"Sino pala?"
"Hindi ko... hindi ko pa alam."
Tumayo si Zian. Kinuha ang bag.
"Salamat sa salamin," sabi niya lang. Tapos takbo palabas.
Iniwan ako na Hawak ang libro.
Isang gabi. Sa Condo ko.
Binuksan ko ulit yung libro.
At dun ko nakita. Sa pinakalikod ng last page. May maliit na sulat. Halos hindi ko mabasa.
_“P.S.
Kung ikaw yung 6'2 na laging nakatingin sa'kin sa library...
Oo. Ako nga yung Z.
- Z”_
Napahawak bigla ako sa dibdib.
"Tadhana?" bulong ko.
Hindi ko alam.
Pero isang bagay lang sigurado ako.
*Obsessed na ako. Sa isang nerd. Na ang pangalan ay Zian.*
“Minsan, isang naiwang libro lang... sapat na para baguhin buong buhay mo.”

Chapter 1
— Chapter 1: The Book Named "Z"