Back to Stories

Accidentally Meeting You

by west음. · Jul 01, 2026 · 19 readers
From a dream to an unexpected meeting of fate.

Chapter 5 "when the dream stops"

Matapos yung gabi sa rooftop, akala ko at Mateo na tapos na yung misteryo. Akala namin, dahil nagkita na kami sa totoong buhay, hindi na babalik yung panaginip.

Pero nagkamali kami.

*Isang Linggong Walang Panaginip*

Lunes. Walang akong panaginip.
Martes. Wala pa rin.
Miyerkules… wala.

Nagsimula akong kabahan. Hindi kasi sanay yung katawan ko na matulog nang hindi ko nakikita si Mateo sa panaginip ko.

“Mateo, hindi na kita napapanaginipan,” sabi ko kay Mateo nung Friday sa Caffe Alon. Halatang balisa boses ko.

Napahinto si Mateo sa paghalo ng kape. “Ako rin. Isang linggo na.”

Tahimik.

Yung takot na pareho naming nararamdaman, hindi namin masabi agad. Paano kung… natapos na yung ‘connection’ namin? Paano kung yung panaginip lang yung nagdugtong saamin?

“Ken, tayo pa rin naman… diba?” tanong ni Mateo, pero hindi siya makatingin nang diretso.

“Diba?” ulit ni ken, pero parang tanong din sa sarili niya.

*Ang Takot na Mawala*

Umuwi ako nang gabing yun na masama yung pakiramdam. Nag-drawing ako. Pero lahat ng guhit ko, mukha pa rin ni Mateo.

Kinabukasan, sinubukan kong huwag isipin si Mateo. Nag-overtime ako. Nag-scroll ako hanggang sumakit mata ko. Pero pag pikit ko… dilim lang. Walang rooftop. Walang _Dreams_. Walang kamay na hahawak sa sa'kin.

Isang gabi, tumawag si Mateo ng 2AM.

“Ken, gising ka pa?”
“Oo.”
“Natakot ako.”

Napalunok ako. “Ako rin.”

“Hindi dahil nawala yung panaginip,” sabi ni Mateo sa kabilang linya. “Natakot ako na baka… panaginip lang pala talaga tayo.”

Napahigpit yung hawak ko sa phone. “Hindi tayo panaginip, Mateo. Nandito ka. Nahawakan kita. Hinalikan kita.”

“Paano kung pag nawala yung panaginip, mawala rin yung dahilan kung bakit tayo nagkita?”

Dun ako naluha. Tahimik lang. Ayaw Kong marinig ni Mateo.

*Ang Desisyon*

Kinabukasan, nagkita kami ulit sa rooftop ng school. Walang speaker. Walang kape. Walang hangin na kasing lambot nung una.

“Alam mo,” simula ko, “siguro yung panaginip… ginamit lang tayo para magkita.”
“Tulad ng paanyaya?” tanong ni Mateo.
“Oo. Para dalhin tayo dito. Sa totoong buhay.”

Lumapit ako. Hinawakan ko yung mukha ni Mateo. Yung peklat sa kilay, hinaplos ko ng hinlalaki.

“Yung panaginip, nagtapos na. Pero tayo… hindi pa.”
“Paano kung hindi na tayo magkaron ng sign? Walang bituin, walang record?”
“Gagawa tayo ng sarili nating sign,” sagot ko. “Hindi na tayo maghihintay sa panaginip para malaman na para tayo sa isa’t isa.”

Hinila ko si Mateo palapit. Hindi halik agad. Noo sa noo muna. Hingal sa hingal.

“ken…”
“Shhh. Nandito na tayo. Gising na tayo.”

At dun, sa gitna ng tahimik na rooftop, hinalikan ako ni Mateo. Hindi dahil sa panaginip. Kundi dahil pinili niya.
Chapter 6 — Chapter 5 "when the dream stops" of 16

Comments ()

Log in to leave a comment.

🍪 This site uses essential cookies only. No tracking or analytics cookies are used. Learn more →