Back to Stories

“???????? ???????? ????.”

by amia krein · Jul 21, 2026 · 35 readers
short story.

Chapter 1

minsan, ang pinakamasakit na klase ng pagmamahal ay ’yung walang nagsimula, pero ikaw lang ang nagtapos.

simula pa lang ng college, magkasama na sina lia at renzo. sila ’yung tipong kahit saan makita, laging magkasunod. kilala sila ng buong campus bilang inseparable best friends. kapag may assignment, si lia ang gumagawa ng reviewer. kapag enrollment, siya ang unang pumipila para siguradong magkatabi sila ng section. kapag bagsak si renzo sa exam, si lia ang unang nagsasabing, “babawi tayo.”

at ginawa niya ’yon nang paulit-ulit.

hindi dahil obligasyon niya.

kundi dahil mahal niya.

hindi niya lang sinabi.

akala niya kasi, darating din ang araw na mapapansin siya ni renzo. na baka isang umaga, magising itong iba na ang tingin sa kaniya. na baka mapagod din itong maghanap ng iba, at marealize na nasa tabi lang niya ang taong handang piliin siya araw-araw.

pero mali siya.

isang hapon, masayang tumakbo si renzo papunta kay lia. dala ang cellphone niya at isang napakalaking ngiti.

“pre, sinagot na ’ko ni amaya.”

ngumiti rin si lia.

’yon ang pinakamagandang pag-arte na nagawa niya.

simula noon, mas madalas nang wala si renzo. kung dati, siya ang unang hinahanap nito, ngayon ay pangalan na ng ibang babae ang laman ng bawat kuwento. bawat plano. bawat pangarap.

at si lia?

nandiyan pa rin.

taga-listen.

taga-advice.

taga-tawa.

taga-salo ng lahat ng sakit na hindi naman siya ang may gawa.

hanggang sa isang gabi, hindi na niya kinaya.

“alam mo ba kung anong nakakapagod?” mahina niyang tanong.

napatingin si renzo.

“ang mahalin ang taong hindi naman kailanman lilingon sa ’yo.”

natahimik ito.

“akala mo kasi okay lang sa ’kin. akala mo kaya kong maging best friend habambuhay. pero hindi mo alam, bawat tawag mong ‘pre,’ parang may parte sa ’kin na unti-unting namamatay.”

napabuntong-hininga si lia habang pilit na pinipigilan ang luha.

“ikaw ang comfort zone ko, pero ako... isa lang akong convenience sa buhay mo. nandiyan kapag kailangan mo, nawawala kapag may iba ka nang kasama.”

tuluyan nang bumagsak ang luha niya.

“ang pinakaunang pagkakamali ko? hindi ang mahalin ka. kundi ang umasa na balang araw, mamahalin mo rin ako.”

walang sumagot.

wala namang tamang salita para ayusin ang pusong ilang taon nang unti-unting nadudurog.

kinabukasan, hindi na pumila si lia sa enrollment para sa kanilang dalawa.

hindi na rin siya nagtanong kung kumusta na sila ni amaya.

sa unang pagkakataon, pinili niyang maging estranghero sa taong dati niyang tinawag na tahanan.

dahil minsan, ang tunay na pagmamahal ay hindi ang pananatili.

kundi ang pag-alis, kahit ikaw mismo ang unang masasaktan.

??? ???.

__________________


[ ୨୧ : ?????????? ] :

[ ⸙ ] — ???????, ???????????, ?? ???????????? ???? ???? ?? ? ????? ??? ?? ???????? ??? ???????.

[ ⸙ ] — ????? ????? ??? ??????? ???????? ??? ??????.

[ ⸙ ] — ???? ?? ?????? ????????.

[ ⸙ ] — ???????????, ????????, ??? ??????????? ??? ?????? ???????.

[ ⸙ ] — ??????? ???? ???????? ?? ??? ???????? ?? ??????? ???????????.

[ ⸙ ] — ??? ????? ????? ??? ????????? ????? ????, ??? ??? ????? ??? ??????? ???? ??? ?????? ???? ?? ??? ????? “???? ????... ???? ?? ?????”
Chapter 1 — Chapter 1

Comments ()

Log in to leave a comment.

🍪 This site uses essential cookies only. No tracking or analytics cookies are used. Learn more →